- Maghapo’t magdamag na nakababad sa tubig baha ang mga taga-Hagonoy at Calumpit, dulot ng pagsasalubong ng pinakawalang tubig mula sa mga dam at tubig baha na mula sa nasirang irrigation dam sa San Miguel.Malalim na ang tubig sa peligrong maaring maidulot ng bagyong nanalanta sa lalawigan ng Bulacan.Kakulangan sa malinis na tubig, rasyon ng pagkain at maging sa kuryente ang hinarap ng karamihan upang mairaos ang pang-araw-araw ang kalam ng tiyan ng nananalanta ang bagyo.Humigit kumulang sa dalawang lingo ang inabopt ng pamemerwisyo ng na idulot ng bagyo. Simula ng magbabaybay si Pedring noong ika-27 ng Setyembre at dumating si Queil sa teritoryo ng Pilipinas ay lalong lumalala ang hirap na naranasan ng mga nasalanta ng biglaang pagbaha.Hagupit ng Kalamidad“’di ko ineexpext na ganun kataas ‘yung baha, nagpatambak na kasi kami dati. ‘Yung ordinaryong high-tide eh hindi naman inaabot, usually hanggang tuhod na pinakamataas na baha sa amin,” ani ni Cenon Salcedo Jr., residente ng Sto. Rosario Hagonoy, Bulacan; nasalanta ng malawakang pagbaha.Hindi subok akalain ng mga mamamayan ng Hagonoy na aabot nglagpas tao, humigit kumulang anim na talampakan, ang magiging lalim ng tubig baha sa kanilang lugar. Ito ay dahil sa pag-aakalang hindi ito hahantong sa katulad na pangyayari.Karaniwan lamang sa bayang ito ang pagbaha. Kadalasang umaabot mula binti hanggang bewang, dalawa hanggang tatlong talampakan, ang tubig baha sanhi ng high tide at pag-ulan.Ngunit, ang pagsasalubong ng tubig baha mula sa nasirang irrigation dam at pinakawalang tubig ng mga dam ang naging dahilan kung bakit nalubog at tila naging karagatan ang naturang bayan.Bayanihan para sa kaligtasanKaramihan sa mga nasalanta ay hindi handa sa naganap na pagbulusok ng baha. Hindi lahat ng residente ay nakapagimbak ng pagkain para sa mga gayong pagkakataon.“Halos naubos ang paninda ng tita ko sa tindahan nila. Dahil doon kami kumukuha ng pagkain habang bumabagyo,” ani Salcedo.Sa katagalan ng paghupa ng baha, marami sa mga residente ang naubusan ng mga kakailanganin sa araw-araw. Sa loob ng humigit kumulang na dalawang lingo ng pagkalubog ay maraming mga taga-Hagonoy ang nauhaw.Sa katunayan, ayon sa kuwento ni Glecy Jose, may kakilalang naepektuhan ng pagbaha, ay nagkatay ng alagang manak na tagalong ang tatlong pamilya nagsama-sama sa iisang bahay, kasama si Evelyn Yumbao na may edad na edad 59, sa Pandakot Hagonoy, Bulacan at naghati-hati sa mga bitbit na pagkain ng bawat pamilya upang makaraos sa pananalanta ng bagyo at baha.“Kulang sa malinis na tubig, ‘yun ‘yung kailangang kailangan nila,” pagpapaliwanag ni Reineir Estrella, staff sa Red Cross of the Philippines- Bulacan Chapter.Samantala, suwerteng nakagawa ng paraan ang ilan upang mapatid ang kani-kanilang uhaw.“Nakapag-ipon naman ng tubig sa gripo, pinakukuluan lang para malinis,” ani muli ni Salcedo.At karamihan naman ay nagtitipid sa pagkonsumo ng tubig nang hindi sila maubusan ng rasyon sa kanilang tinutuluyan.Tulong at AksyonAgad-agad namang umaksyon ang pamahalaan upang matulungan ang mga kababayang nasalanta ng bagyo. May ilan ding personalidad, organization at institusyon ang nag-abot ng kamay para sa mga nasalanta.Kahit na ligtas na ang bawat residente ay umaasa pa din silang makakagawa ngparaan ang gobyerno upang maibsan ang pag-ulit ng nasabing pagbaha.At hanggang sa kasalukuyan, ay positibo namang hinaharap ng mga ito ang bagong kinabukasan at unti-uniting bumabangon sa pagkakadama mua sa pagkasalanta.
Tuesday, 27 March 2012
BAHA: Kaparaanan ng nasalanta para sa kanilang Kaligtasan
Pedring at Quiel: Ekspedisyong hindi maitatapon
- Halos sumabay ang pagbayo ng hangin sa pagtilaok ng manok na siyang nagpagising sa karamihan sa mga tao sa aming lugar, sa Guiguinto, lalo na sa akin.Lamang na ang liwanag ngunit, mukhang nakikipag-agawan ang dilim ng kalangitan na nagbabadya ng bugso ng ulan.Halos matuklap na ang mga yero sa bubong ng mga bahay at ilang garahe sa paligid ng aming tahanan.Araw ng Martes, ika-27 na araw ng Setyembre, hindi pa man din tuluyang naaaninaw ang pagsikat ng araw ay nagsahimpapawid na si bagyong Pedring. Ito rin ang unang araw ng pagbaybay ng bagyo sa ating bansa.Delubyong PedringHindi man tayo ang naging sentro ng daan ng bagyo, ang Bulacan pa din ang naging pinaka-nasalanta sa buong bansa.Takot at kaba ang aking naramdaman habang nasasaksihan ko ang pagsayaw ng mga punong kahoy at ang saliw ng musika na nilikha ng paghampas ng malakas na hangin.Wala pa man ang pagbuhos ng ulan, agad-agad na nawalan ng kuryente sa kalakhang lalawigan. At dahil sa malakas na paghampas ng hangin ay agad-agad na rumispunde ang mga taga-pangasiwa sa enerhiya upang hindi ito magdulot ng peligro sa nalalapit at posibleng sakuna.At dahil sa pagkawala ng kuryente na ito, ako at ang mga kasama ko sa bahay ay nainip at hindi naging produktibo ang araw.Bumuhos ang ulan, karamihan sa mga kabataan ang nagtatatakbong naliligo sa ulan. Hindi nila alintana ang peligrong maaaring mangyari sa kanila habang nakikipagsabayan sila sa lakas ng hangin.Gayunpaman, sinubukan ko ding sugudin ang lakas ng hangin. Kasama ang aking pinsan, nilakad namin ang daan patungong labasan upang humanap ng bukas na tindahang maaring bilhan ng makakain.Habang binabaybay namin ang daan patungo sa tindahan, may ilang beses na bumaliktad sa pagkakatupi an gaming gamit na payong. At halos matangay na din kami ng hanging humahampas sa aming mga katawan.Bukod pa dito, nakakita din kami ng isang garahe na bumagsak ang bubong na tiyak na sanhi ng malakas na pagbayo ng hangin ni Pedring.Pasyal bago si QuielMatapos ang ilang araw, ginulantang ng mga balita ang aking ulirat nang malaman ko na ang bayan ng Hagonoy, Calumpit at ang ilang parte ng Pulilan at Lungsod ng Malolos ay lubog na sa baha, na dulot ng pagsasalubong ng tubig mula sa Ipo Dam at sa nasirang irrigation dam sa San Miguel.Bidang-bida sa mga estasyon ng radio at telebisyon ang mga nasabing lugar. Maraming mga Bulakenyo ang humihingi ng tulong upang ma-rescue sila ng mga tauhan ng opisyal ng pamahalaang panlalawigan at maging ng ilang pribadong institusyon.Samantala, habang tinatahak namin ang North Luzon Expressway paluwas, parang natutunaw ang aking puso habang nakikita ko ang ilan sa na naputol na puno, nalubog na bahay at maging mga kabuhayan ng ating kababayan.Noong araw na muling ibinalik ang klase sa BulSU, naaawa ako sa mga taong inililikas ng mga rescue team na nagmula sa mga nalubog na lugar. Trak-Trak ang ibinibyahe ng mga tao.Makabuluhang orasSa kasabay na araw, naligaw ako sa opisina ng Philippine Red Cross- Bulacan Chapter (PRC-BC), ang lugar kung saan hindi na nakakauwi ang mga volunteer dahil sa daming kanilang gawain na dapat nilang isakatuparan sa kapakanan ng ilan sa ating mga kababayan.Marami ang mga nakipagbayanihan upang matulungan ang mga kapwa nila Bulakenyo. Naglungsad ng pangungulekta ng mga lumang damit at relief goods ang Office of Student Organization at maging ang Student Government ng BulSU. Gayundin ang samahan na kinaaaniban ko, ang BulSU-Red Cross Youth, nangulekta at tumulong kami sa pamimigay ng mga relief goods sa mga nasakunang lugar.Sa katunayan, noong ika-6 ng Oktubre, ako kasama pa ng ilang miyembro ng nasabing organisasyon, ay tumulong sa PRC-BC na magdala ng relief goods sa Hagonoy. Nasaksihan ko ang hindi-na-malalalang-baha sa nasabing bayan. Ngunit, marami pa rin sa mga nadaanan naming mga barangay ay may kalaliman pa rin ang tubig baha.Habang tinatahak ang daan patungo sa munisipyo ng bayan, may ilang grupo ng kalalakihan an gaming nadaanan sa may barangay Sto. Nino. Ang ilan sa mga ito ay nagnanais na sumakay at may isang sumampa agad sa aming sinasakyang trak. Ngunit, dahil sa relief operation ang aming serbisyo, sinabihan namin ang mga kalalakihan na hindi kami maaaring magsakay. May isang lalaki na nagalit at nagsisisigaw habang patuloy na gumugulong ang gulong ng aming sinasakyan.“Naturingan pa man din kayong taga-Red Cross… Kaya kayo nandiyan para tulungan ang mga naghihirap. Isang kilong bigas lang naman ang pinamimigay niyo,Kaya naming bilhin ‘yan,” ani ng nagagalit na lalaking taga-Hagonoy, sabay mura sa dulo.Habang naririnig ang mga katagang sinabi ng nasabing lalaki, nakaramdam ako ng ‘di malamang pakiramdam na parang may kumukurot sa aking puso. Nahiya at nawa ako sa kanila dahil hindi namin sila naisakay sa trak na puno ng relief goods.Napag-alaman ko ang dahilan kung bakit hindi namin sila maaaring isakay sa trak.ito ay dahil kapag pinasakay namin sila ay tiyak na tutupukin kami ng mga tao na nag-nanais din sumakay.Gayunpaman, nasiyahan ako sa mga naranasan ko noong mga araw na iyon. Naging makabuluhan ang mga oras ko sa mga taong nangangailangan. Nabasa man ako ng ulan, naarawan at lalong nangayumanggi ang kulay ay magsisilbi ‘yung tatak ng kabayanihan kong ituturing na ginawa.
Pagbabago ng Panlalawigang Kainang Gusali, nagbukas ng magandang impresyon sa mamimili
- Pangangalam ng sikmura ang nagdala sa maya upang marating ang isang lugar kung saan nagmistulang mga ‘tattoo’ ang dungis na nakamarka sa mga dingding, ang lugar na tinatawag na Kapitol Food Court na mas kilalang KFC.Kainang bago niya marating ay makaka-amoy muna siya ng humahalimuyak na nakakasulasok na amoy ng paligid, sanhi ng umaalingawngaw na bukas na estero, malapit sa ilang tindahan.Hindi man kaaya-aya at kagandahan ang paglalarawan, sandamakmak pa rin ang mga estudyante at empleyado ng kalapit na establisimyento ang dumarayo upang lamnan ang kanilang mga sikmura ng pagkaing magaan sa bulsa.“Ang problema kasi d’yan eh, kapag umuulan nahihirapan kami [mga mamimili] na dumaan sa kalsada. Kasi, ‘yung tubig sa kanal eh, umaapaw, makakarating sa kalsada at ikalawa, ‘yung amoy lalong lumalala, umaabot na sa [kainan sa]taas,” ani ni Lhor Quiwa, estudyante mula sa AB Journalism 2A ng Bulacan State University (BulSU), habang inilalarawan niya ang naranasan niya noong panahon ng tag-ulan sa nagdaang taon, 2010.Ngunit ngayong taon, bumulaga sa mga suki ng mga kainan ang bagong anyo ng Panlalawigang Kainang Gusali (PKG), sa likod ng Capitol Gymnasium, na tila sumagot at ang naging aksyon ng Provincial General Service Office (PGSO) sa mga daing ng mga tiga-konsumo sa mga tindahan sa naturang lugar.Ang nasabing pagsasaayos sa lugar ay ginugol noong nakaraang bakasyon upang sa pagbabalik eskwela ay maging malinis at naaliwalas tingnan ang paligid ng PKG.Binihisan ng PGSO ang nasabing kainan, mula sa madungis at madilaw nitong kulay ng pader ay pinalitan ito ng maaliwalas na puti at kaunting berde sa ibabang banda. Ang kombinasyon ng dalawang kulay na nakapinta sa pader ay siyang nagpaliwanag sa itaas na bahagi ng kainan.“Gumanda na [‘yung paligid]. Nag-improve na ng kaunti. Lalong na-e-engganyo ang mga costumer na bumili kasi, makikita na nila ‘yung kalinisan sa mga tindahan,” ani ng isa sa mga tauhan ng Student Meal, Fering Cruz, habang ipinaliliwanag niya ang naging pagbabago sa lugar na kaniyang pinag-ta-trabahuhan.Samantala, isinara na ang mga bukas na kanal sa gilid ng mga tindahan. Nawala na ‘yung amoy at hindi na magkakaroon ng tiyansa na magtapon sa mga kanal na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng tubig sa kanal.“Maganda ng tingnan ‘yung paligid [sa unang palapag ng gusali]. Wala na ‘yung amoy na matagal nang inire-reklamo ng mga mamimili. At hindi na gaanong umaapaw o naglalabas ng tubig ang kanal,” sambit ni Evelyn Samson, tatlong taon nang tindera ng kainan sa ibaba ng KFC.Ayon din naman kay Lhor, nagulat din siya sa bagong anyo ng gusali at lalo na siyang na-e-engganyong kumain sa naturang lugar. At maging ang pag-apaw ng kanal ay nabawasan na, tanging tubig ulan na lamang ang nagiging laman ng kalsada sa tuwing uulan ng malakas.Sa kabilang banda, nagkaroon ng pagtataas sa presyo ng renta sa bawat kuwadro sa naturang gusali na sanhi ng pagsasa-ayos at pagpapaganda dito.“‘Yun tumaas ang singgil sa renta, [tulad ng sa’min] noon 6,000 php lang ang binabayaran namin, ngayon naman eh, 7,000 php na,” ani ni Enrico Cruz, ang nagmamay-ari sa Student Meal, patungkol sa upa nila sa puwesto buwan-buwan.Bukod sa bayarin sa renta ng puwesto, buwan-buwan din silang nagbabayad sa Malolos Water District, para sa tubig, at sa Meralco naman para sa buwanang kinokonsumo nila sa kuryente.Ayon na rin sa kanya, sampung poryento (10%) ang itinaas sa presyo ng renta sa pewesto, na siyang dahilan kung bakit nababawasan ang dapat na kanilang kita sa araw-araw. Marahil ang pagtataas ding ito ang naging dahilan kung bakit nabawasan ang mga nangungupahan sa puwesto sa naturang kainan.Samantala, ang bawat kwadro sa gusali ay may renta buwan-buwan na nagkakahalagang 1,600 phpm, na siyang average rental rate na ibinabayad ng mga nangungupahan sa PGSO.Gayunpaman, sa mabilisang pagbabago ng Panlalawigang Gusaling Kainan na mas kilalang Kapitol Food Court ng mga estudyante ng BulSU, ay nagkaroon ng kaunting kaibahan sa pamamaraan ng pagbebenta ng mga tindahan, tulad ng pagbabawas sa kanilang pakulo sa pagtitinda o pagdadagdag ng ilang piso para makabawi sa pagtataas ng presyo sa renta.
Beavers Tanker: Bigo mang madepensahan ang titulo, hangad padin ang pagbawi sa susunod na mga laban
Tagumpay sa bawat kampay
- Tinawag ang pangalan mo bilang isa sa mga kalahok na magkakampay sa Swimming pool upang ipakita ang galing ng nirerepresenta mo na koponan.Tumayo at naghanda ka para sa paglangoy, narinig mo ang pito ng marsyal at bilang ipinutog ang baril, hudyat na dapat ka nang tumalon at magmatulin sa paglangoy.Ilang segundo at minuto ang magdadaan, mauna o mahuli ka man sa pag-abot sa ‘Finish Line’ sasaya ka din dahil sa positibong bagay na maaaring mangyari sayo, ang madiskubre at maging miyembro ng ipinagmamalaking samahan sa larong nilalaro mo.Tulad ni Jerome Surio, manlalaro sa swimming event ng College of Home Economics (CHE) Golden Tigers sa Bulacan State University (BulSU) Intramurals 2011, ibinigay niya lamang ang kanyang dedikasyon at galing upang maramdaman ang tagumpay sa languyan. Mabilis na pagkampay at ang hilig sa pagsisid ang nagdala kay Jerome sa paligsahan. Hindi nanalo ng ginto ngunit, nagpakitang-gilas at naging disiplinado sa paglalaro. Ilang pilak at tanso na medalya lamang ang naiahon niya, ngunit nadiskobre siya at magiging parte ng BulSU Swimming team.Simula ng kasanayanAng baguhang manlalangoy na si Jerome Surio ay nagmula sa sa bayan ng Paombong, Bulacan. Labing-walong taong gulang, nasa ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa BulSU.Siya ay nagkainteres sa paglangoy simula noong siya ay mag-enrol ng swimming lesson para sa kanyang Physical Education (P.E) na kinuha niya noong siya ay nasa unang taon sa kolehiyo.Ayon sa kanya, nasiyahan siya sa kanyang klas sa P.E kung kaya’t nagustuhan niya ang pagkampay sa ‘swimming pool’. At dahil dito, nagustuhan niya ang paglalaro at nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at pagtuklas sa ibat-ibang pamamaraan sa paglangoy.Bata pa lamang si Jerome ay nagkaroon na siya ng mga simpleng kaalaman sa paglangoy. Ngunit ngayon, hindi lamang simple kundi pang-laban na pamamaraan na ang kaniyang natutunan, mula sa kaniyang mga kasamahan sa koponan at traynor.Bukod dito, patuloy niyang pinag-aaralan ang iba pang mga bagay na konektado sa paglangoy. Sa katunayan, ayon na din sa kanya, bago ang pagsali niya sa Intramurals 2011 ay tuloy pa din ang kanyang pag-aaral sa paglangoy, sa sarili niyang pamamaraan, sa pamamagitan ng panunuod ng ibat-ibang ‘uploaded videos’ sa youtube.“Nahilig akong mag-swimming dahil para sa’kin nakakalibang ito. At dahil na din sa isa ito sa pinaka-magandang exercise, napapanatili ako nitong healthy,”Paghikayat tungong tagumpayNapukaw ang atensyon ng bagong manlalangoy na si Jerome matapos niyang mabasa ang isang ‘post’ sa facebook patungkol sa paghahanap ng kanilang kolehiyo sa mga estudyante na gustong sumali at maging parte ng grupo ng manlalangoy upang magrepresenta sa taunang Intramurals.Isinugod niya ang kaniyang kapalaran. Sinubukan niya at matagumpay siyang nakapasa sa ‘try-out’ at naging parte ng nasabing koponan, na mas kilala sa tawag na Golden Tigers.“[Ang] naghikayat talaga sa akin [na] sumali [sa team] ay si Seema Tamedonni na aming naging coach at ang mga kaibigan ko.”Hindi naman nabigo ang mga taong tumulong at humikayat sa kaniya na sumali sa swimming events. Ito ay sa kadahilanang, matagumpay din naman niyang nalaro ang kinabibilangan niyang mga kategorya at humakot siya ng medalya para sa kaniyang kolehiyo.“Hindi ko expected na makakakuha ako ng award, pero ang mga teammates ko expected na nila. Minotivate at sinuportahan nila ako kung kaya lalo kong ginalingan,” sabi ni Jerome.Nag-ahon si Jerome Surio ng tig-isang pilak at tansong medalya sa indibidwal isport na 100 meter Butterfly at 50 meter Butterfly category, ayon sa pagkakasunod, na ginanap sa Intramurals 2011 sa Bulacan Sports Complex. At dalawang tansong medalya naman sa relay kasama ng kaniyang mga kagrupo.“Hindi ine-expect ‘yun [pagkapanalo], basta nag-effort ako at ginawa ko ‘yung best ko”PagkakadiskubreDedikasyon at disiplina ang ipinakita ni Jerome sa paglalaro. At dahil sa ugaling ipinakita niyang habang naglalaro at nakikipagkarera sa pagkampay, siya ay napansin ni Madonna Ramirez, ang supervisor at namahala sa swimming events ng Intramurals 2011, at inaya na maging miyembro ng BulSU Tankers na nagrerepresenta sa mga laban ng unibersidad.Matapos ang pagdiriwang ng taunang Intramurals ng Bulacan State University, magsisimula na sa pag-eensayo ang bagong diskubreng miyembro ng BulSU swimming team.Sa kabilang banda, masaya naman ang mga magulang ni Jerome dahil sa galing na ipinamalas ng kanilang anak sa larangan ng paglangoy. Ikinatuwa nila ang mga awards na natanggap nito, lalo na ang bagong buhay na tatahakin ng kanilang anak sa ibabaw ng tubig.Nag-iwan naman ng magandang mensahe at payo si Jerome sa mga nagnanais na maging manlalangoy tulad niya.“Keep up the good works, work hard, train harder and don’t forget God. Goodluck satin,”
SONA of PNoy, collect Pinoy’s feedback
- The most awaited speech of President Benigno Simeon Aquino III is already delivered. Batasan Pambansa Complex was occupied by popular people, former presidents and a lot of politicians, from local to national government, last July 25.Commonwealth Avenue was close early in the morning that day. In simultaneous with that, a group of people assembled and do march rally to invoiced the cry of the group and other Filipino.The Unending Wang-Wang SONA“Walang wang-wang sa ating administrasyon,” PNoy said in his speech, “Naging hudyat at sagisag poi to ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipanng lipunan,” he added.Starting his main speech with his popularly known preposition, the wnag-wang, comparing it to the corrupt politician, who did lying to the Filipino people and its people.The President’s State of the Nation Address (SONA) discuss about the different anomaly that the former administration had done. It’s funds destruction from public to private sector of the government offices, under former President Gloria Macapagal-Arroyo, recently district representative of Pampanga.The SONA also tackles the different improvement that PNoy’s administration bear to the Philippines, to the Filipinos. Improvements from the nation’s status up to the different infrastructure that this governance had establish and accomplished.SONA: The Commendable LackAfter receiving 48 rounds-of-applause, the Philippine republic president, at this times, receives comments from his SONA listener, the people, his Boss.“Ambiguous, he didn’t set any parameter to begin with.” Cristopher Jamil Marasiigan, an AB Legal Management student reaction to the President SONA.A lot of Filipino people said that they are not contented with the substance of the President’s Speech. It is because, like the above said, he discuss the different anomalies that former PGMA administration leave. And every little project that PNoy had done. But, his Boss is looking for the possible project that he may accomplish for this year.“Hindi s’ya nagbigay ng stand sa mga current issue,” Jordan Andrada said, Class President of AB LegMA 3A, commented.Aside from this year agenda, Filipino person also wants to hear PNoy’s stands on the different current issues. His comment with the pending bills that every lawmaker proposed to passed. The status of unending bill such as the Reproductive Health (RH Bill) and Divorce bill. His plans regarding the hot issue of Hacienda Luicita.And his rection to the hunger of the people to express their self, Freedom of Expression.His Boss, the Filipino, is interested to know the status of those issues. They all like to know the about the stand of the president to those current issues. Because knowing the stands of PNoy could give a clue, if what would be the future of those issue.Filipino better views“I saw a brighter future for the Philippines,” Mark Anthony Tapispisan, a nursing graduate, react with the SONA. “Sana suportahan natin ang mga programa, imbis na masayang ang oras natin sa kakareklamo,” he added.Despite of the different negative comments of the other, there are still some Filipino, who see thw positive side of Pnoy’s administration. As PNoy cites his accomplishment for his first year in the position, a lot of people find out that PNoy could bring the country to the better future,But, still some of the people cannot find that better future. There still a lot of people who didn’t feel the progress in the country.“Mauna muna tayong gumawa ng tama kaysa pumuna ng mali,” Tapispisan also said.A question that answered“Paano [ko] ipapasok ang lahat ng mga concerns?” PNoy said to the one-on-one interview with Jessica Soho.PNoy had a hard time on finding all the issue as the content of his speech. Aside from making it simple, he also likes his speech to be short. So, that is the reason why, it only contains anomalies that his administration found out against the past administration and some of his accomplishment.“Tamang pag-gugol sa pondo.” He answered the question about his concept of ‘Tuwid na Daan’ as he ended.
Subscribe to:
Posts (Atom)