- Maghapo’t magdamag na nakababad sa tubig baha ang mga taga-Hagonoy at Calumpit, dulot ng pagsasalubong ng pinakawalang tubig mula sa mga dam at tubig baha na mula sa nasirang irrigation dam sa San Miguel.Malalim na ang tubig sa peligrong maaring maidulot ng bagyong nanalanta sa lalawigan ng Bulacan.Kakulangan sa malinis na tubig, rasyon ng pagkain at maging sa kuryente ang hinarap ng karamihan upang mairaos ang pang-araw-araw ang kalam ng tiyan ng nananalanta ang bagyo.Humigit kumulang sa dalawang lingo ang inabopt ng pamemerwisyo ng na idulot ng bagyo. Simula ng magbabaybay si Pedring noong ika-27 ng Setyembre at dumating si Queil sa teritoryo ng Pilipinas ay lalong lumalala ang hirap na naranasan ng mga nasalanta ng biglaang pagbaha.Hagupit ng Kalamidad“’di ko ineexpext na ganun kataas ‘yung baha, nagpatambak na kasi kami dati. ‘Yung ordinaryong high-tide eh hindi naman inaabot, usually hanggang tuhod na pinakamataas na baha sa amin,” ani ni Cenon Salcedo Jr., residente ng Sto. Rosario Hagonoy, Bulacan; nasalanta ng malawakang pagbaha.Hindi subok akalain ng mga mamamayan ng Hagonoy na aabot nglagpas tao, humigit kumulang anim na talampakan, ang magiging lalim ng tubig baha sa kanilang lugar. Ito ay dahil sa pag-aakalang hindi ito hahantong sa katulad na pangyayari.Karaniwan lamang sa bayang ito ang pagbaha. Kadalasang umaabot mula binti hanggang bewang, dalawa hanggang tatlong talampakan, ang tubig baha sanhi ng high tide at pag-ulan.Ngunit, ang pagsasalubong ng tubig baha mula sa nasirang irrigation dam at pinakawalang tubig ng mga dam ang naging dahilan kung bakit nalubog at tila naging karagatan ang naturang bayan.Bayanihan para sa kaligtasanKaramihan sa mga nasalanta ay hindi handa sa naganap na pagbulusok ng baha. Hindi lahat ng residente ay nakapagimbak ng pagkain para sa mga gayong pagkakataon.“Halos naubos ang paninda ng tita ko sa tindahan nila. Dahil doon kami kumukuha ng pagkain habang bumabagyo,” ani Salcedo.Sa katagalan ng paghupa ng baha, marami sa mga residente ang naubusan ng mga kakailanganin sa araw-araw. Sa loob ng humigit kumulang na dalawang lingo ng pagkalubog ay maraming mga taga-Hagonoy ang nauhaw.Sa katunayan, ayon sa kuwento ni Glecy Jose, may kakilalang naepektuhan ng pagbaha, ay nagkatay ng alagang manak na tagalong ang tatlong pamilya nagsama-sama sa iisang bahay, kasama si Evelyn Yumbao na may edad na edad 59, sa Pandakot Hagonoy, Bulacan at naghati-hati sa mga bitbit na pagkain ng bawat pamilya upang makaraos sa pananalanta ng bagyo at baha.“Kulang sa malinis na tubig, ‘yun ‘yung kailangang kailangan nila,” pagpapaliwanag ni Reineir Estrella, staff sa Red Cross of the Philippines- Bulacan Chapter.Samantala, suwerteng nakagawa ng paraan ang ilan upang mapatid ang kani-kanilang uhaw.“Nakapag-ipon naman ng tubig sa gripo, pinakukuluan lang para malinis,” ani muli ni Salcedo.At karamihan naman ay nagtitipid sa pagkonsumo ng tubig nang hindi sila maubusan ng rasyon sa kanilang tinutuluyan.Tulong at AksyonAgad-agad namang umaksyon ang pamahalaan upang matulungan ang mga kababayang nasalanta ng bagyo. May ilan ding personalidad, organization at institusyon ang nag-abot ng kamay para sa mga nasalanta.Kahit na ligtas na ang bawat residente ay umaasa pa din silang makakagawa ngparaan ang gobyerno upang maibsan ang pag-ulit ng nasabing pagbaha.At hanggang sa kasalukuyan, ay positibo namang hinaharap ng mga ito ang bagong kinabukasan at unti-uniting bumabangon sa pagkakadama mua sa pagkasalanta.
Tuesday, 27 March 2012
BAHA: Kaparaanan ng nasalanta para sa kanilang Kaligtasan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment