- Tinawag ang pangalan mo bilang isa sa mga kalahok na magkakampay sa Swimming pool upang ipakita ang galing ng nirerepresenta mo na koponan.Tumayo at naghanda ka para sa paglangoy, narinig mo ang pito ng marsyal at bilang ipinutog ang baril, hudyat na dapat ka nang tumalon at magmatulin sa paglangoy.Ilang segundo at minuto ang magdadaan, mauna o mahuli ka man sa pag-abot sa ‘Finish Line’ sasaya ka din dahil sa positibong bagay na maaaring mangyari sayo, ang madiskubre at maging miyembro ng ipinagmamalaking samahan sa larong nilalaro mo.Tulad ni Jerome Surio, manlalaro sa swimming event ng College of Home Economics (CHE) Golden Tigers sa Bulacan State University (BulSU) Intramurals 2011, ibinigay niya lamang ang kanyang dedikasyon at galing upang maramdaman ang tagumpay sa languyan. Mabilis na pagkampay at ang hilig sa pagsisid ang nagdala kay Jerome sa paligsahan. Hindi nanalo ng ginto ngunit, nagpakitang-gilas at naging disiplinado sa paglalaro. Ilang pilak at tanso na medalya lamang ang naiahon niya, ngunit nadiskobre siya at magiging parte ng BulSU Swimming team.Simula ng kasanayanAng baguhang manlalangoy na si Jerome Surio ay nagmula sa sa bayan ng Paombong, Bulacan. Labing-walong taong gulang, nasa ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa BulSU.Siya ay nagkainteres sa paglangoy simula noong siya ay mag-enrol ng swimming lesson para sa kanyang Physical Education (P.E) na kinuha niya noong siya ay nasa unang taon sa kolehiyo.Ayon sa kanya, nasiyahan siya sa kanyang klas sa P.E kung kaya’t nagustuhan niya ang pagkampay sa ‘swimming pool’. At dahil dito, nagustuhan niya ang paglalaro at nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at pagtuklas sa ibat-ibang pamamaraan sa paglangoy.Bata pa lamang si Jerome ay nagkaroon na siya ng mga simpleng kaalaman sa paglangoy. Ngunit ngayon, hindi lamang simple kundi pang-laban na pamamaraan na ang kaniyang natutunan, mula sa kaniyang mga kasamahan sa koponan at traynor.Bukod dito, patuloy niyang pinag-aaralan ang iba pang mga bagay na konektado sa paglangoy. Sa katunayan, ayon na din sa kanya, bago ang pagsali niya sa Intramurals 2011 ay tuloy pa din ang kanyang pag-aaral sa paglangoy, sa sarili niyang pamamaraan, sa pamamagitan ng panunuod ng ibat-ibang ‘uploaded videos’ sa youtube.“Nahilig akong mag-swimming dahil para sa’kin nakakalibang ito. At dahil na din sa isa ito sa pinaka-magandang exercise, napapanatili ako nitong healthy,”Paghikayat tungong tagumpayNapukaw ang atensyon ng bagong manlalangoy na si Jerome matapos niyang mabasa ang isang ‘post’ sa facebook patungkol sa paghahanap ng kanilang kolehiyo sa mga estudyante na gustong sumali at maging parte ng grupo ng manlalangoy upang magrepresenta sa taunang Intramurals.Isinugod niya ang kaniyang kapalaran. Sinubukan niya at matagumpay siyang nakapasa sa ‘try-out’ at naging parte ng nasabing koponan, na mas kilala sa tawag na Golden Tigers.“[Ang] naghikayat talaga sa akin [na] sumali [sa team] ay si Seema Tamedonni na aming naging coach at ang mga kaibigan ko.”Hindi naman nabigo ang mga taong tumulong at humikayat sa kaniya na sumali sa swimming events. Ito ay sa kadahilanang, matagumpay din naman niyang nalaro ang kinabibilangan niyang mga kategorya at humakot siya ng medalya para sa kaniyang kolehiyo.“Hindi ko expected na makakakuha ako ng award, pero ang mga teammates ko expected na nila. Minotivate at sinuportahan nila ako kung kaya lalo kong ginalingan,” sabi ni Jerome.Nag-ahon si Jerome Surio ng tig-isang pilak at tansong medalya sa indibidwal isport na 100 meter Butterfly at 50 meter Butterfly category, ayon sa pagkakasunod, na ginanap sa Intramurals 2011 sa Bulacan Sports Complex. At dalawang tansong medalya naman sa relay kasama ng kaniyang mga kagrupo.“Hindi ine-expect ‘yun [pagkapanalo], basta nag-effort ako at ginawa ko ‘yung best ko”PagkakadiskubreDedikasyon at disiplina ang ipinakita ni Jerome sa paglalaro. At dahil sa ugaling ipinakita niyang habang naglalaro at nakikipagkarera sa pagkampay, siya ay napansin ni Madonna Ramirez, ang supervisor at namahala sa swimming events ng Intramurals 2011, at inaya na maging miyembro ng BulSU Tankers na nagrerepresenta sa mga laban ng unibersidad.Matapos ang pagdiriwang ng taunang Intramurals ng Bulacan State University, magsisimula na sa pag-eensayo ang bagong diskubreng miyembro ng BulSU swimming team.Sa kabilang banda, masaya naman ang mga magulang ni Jerome dahil sa galing na ipinamalas ng kanilang anak sa larangan ng paglangoy. Ikinatuwa nila ang mga awards na natanggap nito, lalo na ang bagong buhay na tatahakin ng kanilang anak sa ibabaw ng tubig.Nag-iwan naman ng magandang mensahe at payo si Jerome sa mga nagnanais na maging manlalangoy tulad niya.“Keep up the good works, work hard, train harder and don’t forget God. Goodluck satin,”
Tuesday, 27 March 2012
Tagumpay sa bawat kampay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment