- Pangangalam ng sikmura ang nagdala sa maya upang marating ang isang lugar kung saan nagmistulang mga ‘tattoo’ ang dungis na nakamarka sa mga dingding, ang lugar na tinatawag na Kapitol Food Court na mas kilalang KFC.Kainang bago niya marating ay makaka-amoy muna siya ng humahalimuyak na nakakasulasok na amoy ng paligid, sanhi ng umaalingawngaw na bukas na estero, malapit sa ilang tindahan.Hindi man kaaya-aya at kagandahan ang paglalarawan, sandamakmak pa rin ang mga estudyante at empleyado ng kalapit na establisimyento ang dumarayo upang lamnan ang kanilang mga sikmura ng pagkaing magaan sa bulsa.“Ang problema kasi d’yan eh, kapag umuulan nahihirapan kami [mga mamimili] na dumaan sa kalsada. Kasi, ‘yung tubig sa kanal eh, umaapaw, makakarating sa kalsada at ikalawa, ‘yung amoy lalong lumalala, umaabot na sa [kainan sa]taas,” ani ni Lhor Quiwa, estudyante mula sa AB Journalism 2A ng Bulacan State University (BulSU), habang inilalarawan niya ang naranasan niya noong panahon ng tag-ulan sa nagdaang taon, 2010.Ngunit ngayong taon, bumulaga sa mga suki ng mga kainan ang bagong anyo ng Panlalawigang Kainang Gusali (PKG), sa likod ng Capitol Gymnasium, na tila sumagot at ang naging aksyon ng Provincial General Service Office (PGSO) sa mga daing ng mga tiga-konsumo sa mga tindahan sa naturang lugar.Ang nasabing pagsasaayos sa lugar ay ginugol noong nakaraang bakasyon upang sa pagbabalik eskwela ay maging malinis at naaliwalas tingnan ang paligid ng PKG.Binihisan ng PGSO ang nasabing kainan, mula sa madungis at madilaw nitong kulay ng pader ay pinalitan ito ng maaliwalas na puti at kaunting berde sa ibabang banda. Ang kombinasyon ng dalawang kulay na nakapinta sa pader ay siyang nagpaliwanag sa itaas na bahagi ng kainan.“Gumanda na [‘yung paligid]. Nag-improve na ng kaunti. Lalong na-e-engganyo ang mga costumer na bumili kasi, makikita na nila ‘yung kalinisan sa mga tindahan,” ani ng isa sa mga tauhan ng Student Meal, Fering Cruz, habang ipinaliliwanag niya ang naging pagbabago sa lugar na kaniyang pinag-ta-trabahuhan.Samantala, isinara na ang mga bukas na kanal sa gilid ng mga tindahan. Nawala na ‘yung amoy at hindi na magkakaroon ng tiyansa na magtapon sa mga kanal na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng tubig sa kanal.“Maganda ng tingnan ‘yung paligid [sa unang palapag ng gusali]. Wala na ‘yung amoy na matagal nang inire-reklamo ng mga mamimili. At hindi na gaanong umaapaw o naglalabas ng tubig ang kanal,” sambit ni Evelyn Samson, tatlong taon nang tindera ng kainan sa ibaba ng KFC.Ayon din naman kay Lhor, nagulat din siya sa bagong anyo ng gusali at lalo na siyang na-e-engganyong kumain sa naturang lugar. At maging ang pag-apaw ng kanal ay nabawasan na, tanging tubig ulan na lamang ang nagiging laman ng kalsada sa tuwing uulan ng malakas.Sa kabilang banda, nagkaroon ng pagtataas sa presyo ng renta sa bawat kuwadro sa naturang gusali na sanhi ng pagsasa-ayos at pagpapaganda dito.“‘Yun tumaas ang singgil sa renta, [tulad ng sa’min] noon 6,000 php lang ang binabayaran namin, ngayon naman eh, 7,000 php na,” ani ni Enrico Cruz, ang nagmamay-ari sa Student Meal, patungkol sa upa nila sa puwesto buwan-buwan.Bukod sa bayarin sa renta ng puwesto, buwan-buwan din silang nagbabayad sa Malolos Water District, para sa tubig, at sa Meralco naman para sa buwanang kinokonsumo nila sa kuryente.Ayon na rin sa kanya, sampung poryento (10%) ang itinaas sa presyo ng renta sa pewesto, na siyang dahilan kung bakit nababawasan ang dapat na kanilang kita sa araw-araw. Marahil ang pagtataas ding ito ang naging dahilan kung bakit nabawasan ang mga nangungupahan sa puwesto sa naturang kainan.Samantala, ang bawat kwadro sa gusali ay may renta buwan-buwan na nagkakahalagang 1,600 phpm, na siyang average rental rate na ibinabayad ng mga nangungupahan sa PGSO.Gayunpaman, sa mabilisang pagbabago ng Panlalawigang Gusaling Kainan na mas kilalang Kapitol Food Court ng mga estudyante ng BulSU, ay nagkaroon ng kaunting kaibahan sa pamamaraan ng pagbebenta ng mga tindahan, tulad ng pagbabawas sa kanilang pakulo sa pagtitinda o pagdadagdag ng ilang piso para makabawi sa pagtataas ng presyo sa renta.
Tuesday, 27 March 2012
Pagbabago ng Panlalawigang Kainang Gusali, nagbukas ng magandang impresyon sa mamimili
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment